Businessman na Nambubugbog ng Makati Traffic Enforcers, Inaresto!

User Rating: 5 / 5

Star ActiveStar ActiveStar ActiveStar ActiveStar Active
 

Inaresto kaninang umaga ang businessman na naging sikat dahil sa viral CCTV video ng pambubugbog sa ilang barangay traffic enforcers sa Makati.

Video of rich couple and their bodyguards attacking Makati City traffic enforcers

Dala ang isang warrant of arrest, ni raid ng mga pulis ang bahay ng businessman na si Arnold Aquino Padilla na kung saan may natagpuang dalawang granada, isang kalibre 45 na baril, isang shotgun at mga bala.

Ayon sa pulis, sasampahan ng karagdagang kaso si Padilla na illegal possession of unlicensed firearms and explosives, maliban pa sa naunang kasong direct assault na isinampa nina neighborhood watchmen Carlito Mariano III and Raymundo Soliven ng Bantay Bayan sa Barangay Magallanes.

Matapos maposasan, bigla naman sumama ang pakiramdam ni Padilla dahil daw sa paninikip ng dibdib at muntik pang himatayin. Isinakay sya sa isang stretcher ngunit idineretso rin ng mga awtoridad sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.