Fr. Andre Lin: A big man with a bigger heart!

User Rating: 2 / 5

Star ActiveStar ActiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

He came to Taiwan more than 16 years ago. Spent his first five years spreading God's word in Hukou and Hsinchu before he was assigned as parish priest of Toufen and Zhunan. When I first met him five years ago, he was taking care of four parishes in the Miaoli area, Nanzhuang, Sanwan, Toufen and Zhunan.

I kept wondering back then kung paano niya nakakayang hawakan at gabayan ang apat na simbahan, and at the same time alagaan at asikasuhin ang kanyang sarili. Dahil kaiba sa situwasyon sa Pilipinas, ang mga pari sa Taiwan, lalo na yung mga nasa probinsiya ay walang kasamang kasambahay o volunteer man lang na magluluto ng pagkain, maglalaba at magpaplantsa ng kanyang mga damit at abito.

Ngunit ang higit kong kinahangaan kay Fr. Andre ay ang kanyang sobrang malasakit sa mga manggagawang Pilipino. Sa lahat ng misa na aking dinaluhan, kung saan siya ang pari, parati niyang ipinapaalala sa mga parishioners ang mag-ipon at palaging tandaan na ang trabaho nila dito ay hindi permanente. He also encourages the OFWs to follow their dreams, at huwag magpatali sa preconceived notion na kung OFW ka ay hanggang ganun ka na lang habangbuhay.

Sa misa nya lang ko rin nadinig ang salitang "tsuktsak" at "tsing tsang su" na hindi pumapalyang magpa halakhak sa mga parishioners nya.

Kaya nakakalungkot na malaman na ngayong Linggo, January 13, ang huli nyang misa dito sa Taiwan. Fr. Andre has touched and changed a lot of OFW hearts and lives.

Kung isa kayo sa nagkaroon nang pribileheyo na maging bahagi ng buhay nya dito sa Taiwan, do not miss the opportunity to hear his sermon one final time sa Toufen Church (Church of the Heavenly Mother) at 10:30AM.

Maraming saamat po sa lahat ng naitulong nyo sa mga Filipino migrants dito sa Taiwan Fr. Andre! Your work here made a difference. God bless you always po.