Mula ng naging viral ang movie nina Angel Aquino at Tony Labrusca na Glorious, mejo naging open na ang netizens sa May-December romance.
Aminin na natin, mejo taboo ang topic na ito sa ating society. Pero iniba ng pelikulang ito ang perspektibo ng ganitong love affairs. Napakaganda ng pelikula, mejo nakaka hinayang lang dahil hindi ito pinalabas sa mga sinehan, siguradong mas malaki sana ang kinita nito. Ang movie ay mapapanood sa pay per view ng TFC.
Kaya naman kaabang-abang ang next episode ng MMK. Ang batikang aktres na si Lorna Tolentino at si Ejay Falcon ang bida sa nasabing episode. Cute ang kanilang teaser.
Ito naman ang actual civil wedding nila Nilo at Bonifacia na pinuntahan ng crew ng MMK.