Ang sikat na aktor na si Richard Gomez ang kasalukuyang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Mula nang siya ay umupo sa pwesto bilang Mayor, naging priority na nya ito at nag lie low na muna sya sa telebisyon at pelikula.
Nitong nakaraang Undas, sya mismo ang nag test-drive ng pure solar powered at eco-friendly na utility mini-bus, sakay ang mga kababayang pupunta sa sementeryo at dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay. Napakagandang balita nito sa probinsya ng Ormoc kung matutuloy nga ang pagdami ng ganitong uri ng public transportation sa kanilang lugar.
Matatandaang kamakailan lang ay naging viral ang video nya na kinukwestion ang mga sub standard na materyales na ginamit sa pagpapatayo ng pabahay para sa biktima ng bagyo sa Ormoc.
Sa ngayon ay may movie syang ginagawa kasama si Sharon Cuneta, ang "Three Words to Forever". Last week lang ay nasa Ormoc ang buong cast upang i-shoot ang nasabing pelikula.
Kasama sa movie si Kathryn Bernardo (without Daniel Padilla), kaya naman dahil na miss na ni Daniel ang kaniyang loves, sinurpresa nya ito.