Winner bilang Best Actor si Carlo Aquino at Best Actress naman si Bela Padilla para sa pelikulang Meet me in St. Gallen. Ang parangal ay iginawad ng 25th Annual Filipino International Cine Festival. Ito ay kwento nina Jessie at Celeste na nagkakilala isang gabi na pareho silang bad trip sa mga buhay nila. They kissed at hindi nakalimutan ang isa’t-isa at iniasa nalang sa tadhana kung magkikita pa ulit sila. At nagkita nga ulit sila pero si Jessie ay engaged na. Years after nakipag hiwalay si Jessie sa Fiance nya at sinundan si Celeste sa New York pero may boyfriend na si Celeste. Siguradong merong makaka relate sa kanilang kwento... Nagkatagpo pero hindi itinadhana... Maganda ang movie kaya naman hindi kataka-takang humakot ito ng maraming awards.
Bukod sa nasabing awards, na grab din ng nasabing movie ang 7 pang awards. Ito ay ang Best Director, Best in Cinematography, Best Film, Best in Aural Design, Best in Visual Design, Best in Editing and Best in Writing. Congratulations!