Magkasabay na magse-celebrate ng kanilang 40 years sa Entertainment Industry sina Sharon Cuneta at Lea Salonga. And to celebrate this milestone, pareho silang magko-concert!
Kilala naman nating lahat ang Mega Star na si Sharon Cuneta na napakaraming nagawang pelikula, tv shows, albums at awards sa loob ng kanyang 40 yrs in show business. Sa Wednesday na ang concert nya sa Araneta Coliseum.
At si Lea Salonga na hinangaan ng buong mundo bilang Miss Saigon! Dahil sa kanya, naalala ko, suddenly, lahat ng teenage girls sa panahon namin eh biglang nagka interes sa theater! Napakarami din nyang concerts, broadway shows, albums and awards sa loob ng 40 years nya sa showbiz. Sa October 19 and 20 ang kanyang concert sa sosyaling concert venue na PICC!