Author ng Crazy Rich Asians, wanted sa Singapore!

Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

May kinakaharap na kaso ang author ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan dahil sa hindi nya pagtupad na mag register at tuparin ang kanyang National Service obligation nung 1990.

Ang lahat ng lalaking Singaporean kapag tumuntong ng 18 yrs old ay kinakailangang mag silbi ng 2 taon sa Singaporean National Service, sa Military, Police, o anumang ahensya kung saan siya maitalaga.

11 yrs old si Kevin ng mag migrate ang kanilang pamilya sa US. At dahil hindi sya nagpa register ng National Service pagtuntong nya ng 18 yrs old, na deny ang kanyang Singaporean Citizen Renunciation. Sakaling bumalik sya ng Singapore, maari syang makulong hanggang 3 yrs at magbayad ng $10,000 ayon sa kanilang batas.