TV Host Gretchen Ho, nanakawan ng bag sa London!

Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Kasalukuyang nasa London ngayon ang TV Host na si Gretchen Ho para mag cover ng Ride London, kung saan 8 Filipino cyclists ang kalahok.

Kwento nya, nasa isang shopping mall sila sa London at dahil marami na syang napamili at papasok sya sa fitting room, inilapag nya ang kanyang bag sa upuan at tinabunan ng kanyang mga pinamili. Paglabas nya sa fitting room, wala na ang kanyang bag. Laman ng bag ang kanyang passport, 2 cellphones, credit cards at cash.

Ayon sa mga kwento ng mga taga-roon, mga ichurang yayamanin at magaganda daw ang mga kawatan doon. Sa ngayon ay umaasa syang maibabalik ang kanyang passport sa Philippine Embassy upang hindi maantala ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.