Niño Muhlach apologizes to Paco Larrañaga

Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Pinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Jacqueline Comes Home noong July 18, at dahil dito, nabuhay ang interes ng mga filipino tungkol sa kaso ng Chiong Sisters na nangyari noong July 16, 1997 sa Cebu.

 

 Kasabay nito ay naging viral din ang documentary tungkol kay Paco Larranaga at 7 pang akusado sa kaso. Sa nasabing documentary ko napanood na sa isang hearing ng kaso, pinalabas at ipinanood ang  episode ng Calvento Files na para itong re-enactment ng mga pangyayari. 

 

 Si Niño Muhlach ang gumanap na Paco Larranaga sa tv series na ito. At makalipas ang maraming taon na pagkakakulong ni Paco at pito pang iba, humingi ng “sorry” si Niño Muhlach.