Oct 4 last year sa kanyang youtube vlog ay pinakita ni Ms. Kim Chiu ang loob ng kanyang van, kung saan tinawag niya itong second house. Ito ay customised van na ginagamit nya sa trabaho kung saan comportable sya sa biyahe. Sa loob ng van ay merong TV set, table na nagiging make up section narin nya. meron din itong sofa bed kung saan komportable siyang nakakatulog. At dahil inamin niya na maliit lang ang van, hindi na siya nakapag-palagay ng comfort room dito. At dahil jan, meron siyang “mahiwagang purple na arinola”! 😂 kung saan sya nagwi-wee-wee kapag kailangan at sinabi niyang sya naman daw ang nagtatapon at naglilinis nito at never niya itong gagamitin sa pag poo. 😂 Ang kanyang mga gamit naman ay maayos na nakasalansan sa compartment ng nasabing van.
Kaninang umaga ay laman ang balita ang van ni Kim Chiu dahil pinagbabaril ito sa may bandang Katipunan, Quezon City. Ayon sa driver ni Kim na si Fredo, mga bandang 6:10 ng umaga ng bigla silang nakarinig ng putok ng baril at sa simula ay hindi nila alam na ang sasakyan na pala nila ang binabaril ng hindi pa nakikilalang dalawang lalake na nakasakay sa motorsiklo. Tatlo ang sakay ng van, si Kim, ang kanyang Personal Assistant ang ang kanyang driver. Pagkatapos ng insidente ay dumerecho na ng taping si Kim para magtrabaho.
Sa kanyng Instagram naman, nagpasalamat si Kim kay “Papa Jesus” dahil ligtas sila sa nasabing insidente. Sinabi niyang wala siyang idea bakit nangyari un sa kanya sapagkat wala naman daw siyang kaaway o kaatraso.
Patuloy pang ini-imbestigahan ang nasabing insidente ng pulisya.