Pumanaw na kaninang 4:55 ng hapon, June 20 ang veteranong aktor na si Mr. Eddie Garcia. Siya ay 90 years old. The cause of his death after ng ilang linggong pagiging comatose ay Neck Fracture Complications dahil sa pagkaka bagok ng kanyang ulo sanhi ng isang aksidente.
1950’s ng pumasok si Eduardo Verchez Garcia sa Showbiz mula Sorsogon, Sorsogon. 21 years old noo ang aktor. Pagkatapos niyang magsilbi bilang military policeman sa Okinawa, Japan noong World War II, ginawa niya ang pelikulang Infantas DeLara at naging sunod-sunod na ang kanyang mga pelikula. Naging mas kilala sya bilang kontrabida sa mga action movies.
1961 ng una siyang nag-direct sa pelikula niyang Karugtong ng Kahapon. Itinatayang mahigit na 600 ang pelikula at teleseryeng nalabasan nya hanggang ngayong taon.
June 8 ng maaksidente si Mr. Eddie Garcia sa shooting ng GMA 7 teleserye Rosang Agimat. Isinugod sya sa Mary Johnston Hospital sa Tondo na pinaka malapit na Hospital sa location ng kanilang shooting. Ngunit inilipat din sya agad sa Makati Medical Center kung saan kinumpirma ng doktor na critical ang condition nito dahil sa Severe Cervical Fracture.
Binatikos ng batikang director na si Joey Reyes ang staff ng nasabing teleserye bakit pinag-action stunt pa ang 90 year old na aktor.
Nagbigay naman ng mensahe ang pamunuan ng GMA 7 na iimbistigahan nila at parurusahan ang may pagkukulang sa nasabing insidente.
Simula noong na-aksidente si Mr. Eddie Garcia ay naging comatose na ito. At ang pamilya nya ay nag desisyong wag na siyang i-revive kapag siya ay namaalam na upang hindi na siya mahirapan pa.
Hiling naman ni Mr. Eddie Garcia noong siya’y nabubuhay pa na gusto nya i-cremate sya the same day na namatay sya at isasaboy ang abo nya sa Manila Bay ng kaibigan niyang piloto.
Bumaha ang pagdadalamhati at pakikiramay sa social media galing sa mga artistang naka-trabaho nya. Isa na dito si Ms. Sharon Cuneta na sinabing galit sya dahil hindi pa daw dapat mamatay si Mr. Eddie Garcia. Ayaw niya mansisi pero na-avoid sana ang aksidente kung naunang naisa-alang alang ang kaligtasan ng lahat sa set.
Pareho din ang sentimyento ni Ms. Judy Ann Santos Agoncillo, bagamat hindi sila nagkaron ng chance na maka trabaho ang beteranong aktor, nagpasalamat sya kay Mr. Eddie Garcia dahil hanggang sa huli, nag-iwan sya ng aral at iminulat ang mata nila sa Entertainment Industry.
Our deepest condolences sa pamilya ni Mr. Eddie Garcia. May you rest in peace. Maraming Salamat sa maraming dekada na pagbigay mo sa amin ng mga makabuluhang pelikulat at makatotohanang pagganap.