Magmula ng maging free visa ang mga Pinoy sa Taiwan ay dumagsa ang mga Pinoys na nag tour dito. Nag boom ang mga travel agencies na kadalasan, sila na ang nag-a-arrange ng group tour simula plane tickets, accomodation and food.
Marami na ding Pinoy celebrities ang nag enjoy sa pamamasyal nila dito sa Taiwan.
Nito ngang April 30, si Ms. Sunshine Cruz naman ang nag umpisang mag post na nandito sila sa Taipei kasama ang kanyang 3 anak at ilan pang mga kaibigan.
Makikita sa isa sa mga pictures na ito ang group tour nila Sunshine. 40 daw sila sa kanilang group tour.
Nuong Sabado (May 4), nag post siya ng kanilang hindi magandang karanasan sa Taipei hotel na kanilang tinuluyan. Ayon kay Sunshine, marami daw surot or bedbugs sa kanilang tinuluyang hotel
Dagdag pa ni Sunshine, "I posted this to warn my friends, family and followers. Hindi para mag inarte pareho ng sinasabi ng ibang mema lang o gusto lang manlait ng kapwa. This is to warn people na hindi porket mataas ang reviews ng hotel ay wala ng surot o bed bugs. hindi biro ang bed bugs promise. Buwan ang imamarka sa balat nyo at umaatake ang sobrang kati sa gabi. If and when something like this happens to your friends and family, we should use our voice to help other people especially our kababayans. Salamat ?"
Tunay nga na kawawa naman si Sunshine at ang kanyang mga anak na gumagastos ng todo todo mapanatili lamang ang mala porselanang kutis. Ganun din ang kanilang mga kasama sa group tour na kung saan may mga bata ding nakagat ng surot!
Ito ang video nang mga surot na nakita nila sa kanilang kama.
Kaugnay nito, may isang netizen din na nag post ng kanyang "surot" experience sa nasabing hotel.
Hanggang end of July pa ang free visa dito sa Taiwan at marami pa ang mga papasyal na pinoy, kaya ingat na lamang sa pag book ng hotel na inyong tutuluyan upang maiwasan ang ganitong masamang experience.