Matagal ng napapa balita na may relasyon diumano ang aktor na si Coco Martin at aktres na si Julia Montes pero hindi nila ito kinukumpirma.
Late last year ng umalis si Julia ng Pilipinas to be with her father sa Germany.
March 2 ng sabihin ng kaibigan niyang aktres na si Dimples Romana na magkikita sila pagbalik nya sa Pinas. Pero ngayon ay hindi na tayo sigurado kung nasa Germany pa ba si Julia ng araw na ito.
April 1 ng nag-blind item si Ogie Diaz at sinabing may isang aktres na nanganak sa isang hospital sa San Juan at ayon sa kanya, may mga nauna na daw sa kanya na magbalita nito.
April 12 ng kumpirmahin ni Cristy Fermin sa kanyang Radio Program na totoong nanganak si Julia Montes sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
At dahil dito, hinihintay ng mga fans ni Julia at Coco na magsalita si Coco kung tooo o hindi ang chismis. Pero nanatiling tahimik si Coco Martin.
April 20 ng mag post si Coco Martin patungkol sa nasabing issue. Dito ay hindi parin niya inamin o pinabulaanan ang chismis.
Naging sunod-sunod ang mga posts nya at dinis-able nya ang comment sa ilan sa kanyang mga posts.
At dahil sa kanyang mga posts, tila na bash si Coco Martin dahil ayon sa karamihan ng mga netizens, kasama na sa pagiging artista nila ang intriga.
Isa pang lumabas na chismis ay nagkaka-developan na diumano si Coco at ang leading lady nya sa FPJ Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.
Pero pinabulaanan ito ni Yassi ng mag guest siya sa Tonight With Boy Abunda show at sinabing close friend lang nya si Coco.
Respetuhin nalang natin ang kanilang mga pribadong buhay. Kung totoo o hindi man ito, sila lang ang may karapatang mag-kumpirma nito. Kaya habang parehong hindi nagsasalita si Julia at Coco, mananatili itong chismis.