Nachika last summer na engaged na sila nang mag propose si Justin sa kanyang girlfriend na si Hailey Baldwin habang naka bakasyon sa Bahamas.
Pagdating ng September, may mga chika na nagsasabing ikinasal na sa huwes sa New York City ang dalawang sikat na magkasintahan. Ang magkahiwalay na post ni Justin Bieber at Hailey sa kanilang IG accounts ang nag kumpirma sa chikang ito.
Hailey Baldwin belongs to the famous Baldwin clan ng Hollywood. Sikat na aktor ang kanyang ama na si Stephen Baldwin at uncle nya ang sikat na aktor na si Alec Baldwin.
Nung April 1, nag post si Justin ng baby picture sa ultrasound at wala itong caption. Nag-speculate ang kanyang followers na pregnant na ang kanyang model na asawa pero meron din mga netizens na nagsabi na April Fool’s Day prank lang iyon.
Pero sinundan niya ito ng pictures ni Hailey na mukhang nagpapatingin sa OB at ang caption na ay: “If you thought it was April Fools” kaya naman mas marami na ang napaniwala nya na totoo at hindi prank ang lahat.
After few more hours, nag post sya ulit ng picture at na-confirm nito na prank lang ang lahat.
Pero nag-apologize sya kinabukasan sa kanyang insensitive prank. Na-offend daw ang mga taong nahihirapang magka anak.
Darating ang araw, bawal na ang mag prank or kahit mag joke, dahil merong mga tao na laging mao-offend. Sa mundo natin ngayun, parami ng parami ang KJ! ?