Kilala natin si Yam Concepcion ngayon bilang si Jade sa teleseryeng Halik. Si Jade ay gumaganap bilang asawa ni Lino (Jericho Rosales) at naging kabit sya ni Ace (Sam Milby).
Talaga namang nakakairita ang kamalditahan nya at sa katunayan, may mga funny fan stories sya dahil sa role niya sa nasabing teleserye.
Isang beses daw, nasa gym daw sya at nagba-boxing ng may isang babae na masama ang tingin sa kanya at tinatarayan sya. Hanggang sa lumapit ang trainor sa babae at sinabing siya si Yam at hindi si Jade. Sabi daw ng babae, “ayoko parin, nakakainis, napakalandi!” ??
At sa isa pang sa nakakalokang kwento nya ay ng nabigyan sya ng libreng Banana-Q dahil idol daw sya nito, dahil kabit din daw sya! ??
Sa nalalapit na pagtatapos ng Halik, clueless ang sumusubaybay sa nasabing teleserye kung ano ang ending ng character niya dito. Bumait kaya si Jade? Makukulong? Babalik kay Ace?
At bilang patunay sa kanyang galing sa pag arte, nuong March 25 ay tinanghal si Yam bilang TV Actress of the Year sa 50th Guillermo Mendoza Awards, kasama si Jericho Rosales na tinanghal naman na TV Actor of the Year.
Pero isa sa nakakatuwa na nadiscover ko, magaling palang mag-ukelele itong si Yam at in fairness ha, maganda din pala ang boses nya sa pagkanta!
Bonus Chika!
Isa pa sa kasama niya sa teleseryeng Halik ay si Hero Angeles. Nakilala si Hero ng manalo sya sa isang talent show sa ABS-CBN at naging kalove-team ni Sandara Park.
Nang mawala sya pansamantala sa showbiz, nag aral sya bilang painter using coffee.
Sa ngayon ang pinagkaka abalahan naman nya ay ang paggawa ng mga miniature na pagkaing pinoy!
Nakakatuwa na ang mga hinahangaan nating mga character sa tele-seryeng Halik ay may mga itinatago palang iba pang talento!