Pumanaw na ang komedyateng si Jonathan Aguilar Garcia aka Chokoleit kagabi, March 9. Ito ay kinumpirma ng Star Magic, ang talent agency ni Chokoleit. Kasalukuyan siyang nasa Abra para mag show sa Kawayan Festival. Makikita sa videong ito na hirap na siyang huminga habang nagpe-perfom pero tinapos parin nya ang kanyang set. After ng kanyang performance, isinugod sya sa Abra Provincial Hospital pero binawian din sya ng buhay dahil sa Pulmonary Edema at Heart Attack. Sya ay 46 years old.
Nagluluksa naman ang kanyang matatalik na kaibigan sa showbiz. Si Pokwang ang isa sa malalapit niyang kaibigan at sa katunayan, ninang/ninong sya ng anak ni Pokwang na si Malia.
Kasama sa barkadahan nila si K Brosas, Pooh at lahat sila ay ninang at ninong ni Malia.
Today, sa kanilang IG, isang picture ng clown na may luha ang post ni Pokwang.
Si K Brosas naman ay all black, tanda ng pagluluksa.
Si Pooh ay picture ng isang kandila sa dilim.
Isa sa matalik na kaibigan ni Chokoleit ay si Vice Ganda at ito ang post niya sa kanyang twitter.
Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. Im sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend.
— jose marie viceral (@vicegandako) March 9, 2019
Mami-miss ko ang mga nakakalokang posts mo sa iyong IG, Chokoleit. Rest in Peace.