Year 2013 ng magkahiwalay at dinemanda ni Claudine ang asawang si Raymart Santiago. Sa kanyang affidavit, binanggit ni Claudine ang mga kapatid nyang sina Gretchen, JJ at Marjorie kaya naman pinatawag sila ng korte upang maghain din ng kanilang salaysay, at dito, kumampi sila Gretchen, kay Raymart at sinabing hindi totoo ang ibinibintang ni Claudine kay Raymart. At dahil dito, binantaan umano sila Gretchen ng kanilang ama.
Nagpatuloy pa ang kanilang hindi pagkakaintindihan sa kanilang mga IG posts.
Hanggang sa nagsalita na ang kanilang ina na si Estrella “Inday” Barretto at ang kapatid na si Gia at kumampi kay Claudine at tuluyan na ngang nahati ang kanilang pamilya.
Sinabi naman ni Gretchen sa kanyang interview na hindi sya nakaramdam ng lambing galing sa kanyang magulang mula sa kanyang pagkabata at pinabulaanan nya lahat ng mga sinabi ng kanyang ina at kapatid na si Gia. Ayon kay Gretchen, ginagawa lang nya ang sa tingin nyang tama, ang magsabi ng totoo para sa mga anak nina Raymart at Claudine at upang matulungan si Claudine na noon daw ay lulong na sa bawal na gamot.
Nagsalita naman ang kanilang ama na itigil na ang pagsasalita laban sa isa’t-isa at hayaan na ang mag-asawang Raymart at Claudine sa kanilang away.
Last month lang nagkasalungat na naman ang salita ng magkapatid na Gretchen at Claudine ng kumampi si Gretchen kay Nicko Falcis sa away nito kay Kris Aquino. Ayon kay Gretchen, kinausap ni Kris si Claudine at hiningan ng tulong na sirain siya. Pero pinabulaanan ni Claudine ito at sinabing hindi sila nag-usap ni Kris tungkol dito.
Kaya naman nagulat ang buong Pilipinas ng mag post sila ng video na magkasama sila over dinner!
At ngayon, super sweet na ang mag-ate. Nagpadala ng stuffed toy at maraming food si Gretchen kay Claudine habang nasa hospital ito at ang nakakatuwa, may I Love You na!
Totoo nga ang kasabihang "Time heals all wounds!". Sana ay tuluyan na ngang magka-ayos ang buong pamilya Barretto.